Miyerkules, Mayo 20, 2015

Ako'y Nalilito Na...

Minsan lang talaga hindi ko na maintindihan ang aking sarili. Minsan parang nakakapagod na magisip na lang palagi at magisip na lang ng magisip tungkol sa mga bagay na wala naman akong magagawa kundi tanggapin unless gusto kong makipaghiwalay na lang...

Minsan natatanong ko din sa sarili ko kung ano nga ba talaga? Pagod na ako kung sa pagod, walang katapusang litanya, walang katapusang drama. Haiistt.. minsan di ko na alam kung san ko dadalhin ang sarili ko.

Unfair ang buhay, pero matagal ko ng alam yan, matagal nang hindi lumalaban ng patas, pero meron nga ba akong magagawa? Wala naman diba? Kailangan lang tanggapin. Ngumiti at sabihin, okay lang yan.. kaya ko pa...

Mga pangakong napako.. Mga salitang kinain... Mga bagay na hay ewan ko ba.

Gusto ko na ayaw ko, na gusto ko... Minsan di ko na talaga alam.

Ayoko na dito... pero kailangan ko magtiis...
Ayoko na dito... pero eto, nandito pa rin ako...
Ayoko na dito... pero pilit pa ring kinakaya...

Durog na ang puso ko... pero may nakakapansin ba? wala...
Durog na ang puso ko... pero may paki ba sila? wala
Durog na ang puso ko... pero piilt pa ring binubuo.. dahil wala naman ibang magagawa kung hindi pilitin itong buuin kahit na patuloy ang talim na nakadikit at ginagawa ang kanyang sakit...

Alam ko sa loob ko na hindi ako masaya... alam ko sa loob ko na hindi ako kuntento sa buhay ko dito, pero bakit nga ba ako nandito? bakit nga ba hindi ako makaalis? Kasi mahal ko ang pamilya ko. kasi malakas ako, matapang at kaya pang lumaban. Kaya nandito pa rin ako kahit na hirap na ako, kahit na hindi na ako masaya, dahil di baleng ako, wag lang sila, wag lang ang mga mahal ko ang mahirapan, di baleng ako basta sila okay, okay na rin ako.

I will find strength to be happy. I will find strength to move forward. I will find strength to carry on. I will find strength so that my dreams will come true. I will find strength so that after the storm is over, I will see the rainbow and the sun shine through I will find strength so that I will find my happiness and peace within myself amidst all the chaos that surrounds this journey I call my life.