Dumating ka na ba sa point na para ka ng baliw sa pagiisip kung paano ka kikita? Na ang laman ng wallet mo ay kulang pang pamasahe mo? Ako, hindi lang ata isang beses ko naramdaman yan... minsan para ko ng gusto maawa sa sarili ko, minsan naawa talaga ako sa sarili ko... pero ano nga bang kailangan kong gawin? Para magkapera...
Mahirap.. tanggapin na nating hindi madali ang ganitong sitwasyon at napakasakit sa dibdib.. lalo na sa isang magulang na hindi nya maibigay ang gusto ng kanyang anak... at mahirap ding makita na ang ibang tao ay nagpapasasa sa sarap ng buhay habang ikaw, eto nakalugmok sa hirap...
Pero tanggap ko... kasalanan ko din.. nagpabaya ako sa magandang opportunity na aking nahanap.. nakampante sa mga pangakong hindi naman natupad.. kaya ngayon kailangan tanggapin na kailangan magsipag at kailangan pagtiwalaan na alam ng Diyos ang kaniyang ginagawa at alam ko na alam nya kung paano nya ako... kami tutulungan...
May mga plano na sana ay mabigyang katuparan... may mga idea na sana magbunga... may mga gustong marating na sana nga ay maabot... sa awa ng Diyos at sa kakayahang kanyang ini-aatang... nawa'y maging matagumpay lahat ng aming balak, nang sa ganon ay dumating naman ang pagkakataong aming masabi na tunay kaming naging matagumpay...
Aking mga palagay, hinagap, kuro-kuro, pagiisip at kung ano pang mapagisipan, kasama na ang mga sariling likha tulad ng tula, storya at kung ano ano pa ^_^
Martes, Pebrero 19, 2013
Biyernes, Pebrero 08, 2013
Ano nga ba dapat?
Nagpunta ako kanina sa talipapa na malapit sa amin, bumili lang ng miryenda... Nakasalubong ko ung isang usher sa simbahan, sabi nya sa akin, ate punta ka mamaya sa court, magmimisa kami dun...
Naisip ko lang... weh? sa court kau magmimisa?
Nasagi sa isip ko ang kasagraduhan ng misa at bakit sa court sya gaganapin? Siguro, umiral lang un pagigign old fashioned ko or pagiging makitid ko rin, pero ang unang pumasok sa isip ko eh nyek, kahit saan na lang pede... pero naisip ko din nagmimisa sa mall, sa school kahit hindi ito sacred ground if that's what we can call it..
Pero in hindsight, naisip ko din na bakit nga naman hindi, kung nasaan ang tao, siguro dapat ilapit ang Diyos diba? maraming ayaw pumunta sa simabahan, walang oras, tinatamad or whatever else excuse they can have, so kung nasa kanto lang.. nasa may court lang.. baka sakali nga namang umattend na sila at makakinig ng salita ng Diyos....
Pede na rin.. pede na ring tanggapin.. ang importante, naibahagi ang salita ng Diyos.. ang importante naishare ang word of God.. regardless na rin kung saan ito ginanap

Huwebes, Pebrero 07, 2013
Ayoko Na?
Minsan dumarating ba sa iyo ung parang sobrang dami ng mga challenges mo sa buhay at pakiramdam mo di mo na alam kung anong gagawin mo? Na parang punong puno ka na? na wala ng puntahan ang stress mo sa katawan dahil buong katawan mo ay stressed na?
Kaliwa, kanan, taas, baba, pati patagilid meron pa rin... you're getting hit from everywhere and hindi mo alam kung anong una mong sasalagin?
Mabigat sa pakiramdam at parang ayaw mo ng lumaban, pero alam mong dapat, at alam mong kailangan.. pag nagkagayon ano nga ba ang dapat gawin?
Gusto mo bang sabihin ayoko na? Tama na?
Pero alam mo hindi pwede.. hindi pwedeng sumuko, di pedeng umayaw... Anong gagawin mo?
Tanggapin lang? Umo-o na lang.. tiisin na lang lahat...
Ang sagot? Yep.. wala ka namang choice eh...
The best thing to do.. is smile and not worry... Everything will right itself at the right time..
So what's the use in worrying? wala naman diba?
Ngiti na lang and believe everything will be alright :)

Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)