Aking mga palagay, hinagap, kuro-kuro, pagiisip at kung ano pang mapagisipan, kasama na ang mga sariling likha tulad ng tula, storya at kung ano ano pa ^_^
Huwebes, Abril 30, 2020
Basag na Puso
gusto kong umiyak, magalit...
pero para ano pa?
para saan pa?
pagod na ko. pagod na ang puso.
ayoko na...
ayoko ng lumaban
ayoko ng magtiis
ayoko ng tumigin sa langit at mangarap
ayoko ng umasa na may pagbabago pa.
pagod na pagod na ang aking hinagap, pagal sa pagiisip. pagal sa pag-asa.
wala na...
talo na...
suko na...
tama na...
tapos na.
Miyerkules, Abril 22, 2020
Feeling Salbahe
Alam ko sa sarili ko na hindi naman ako masamang tao... kaya lang bakit ganon... Minsan, no, madalas, may mga tao lang talagang nakakapag pakulo ng dugo ko... Yung mga nagmamagaling, ung mga hindi pwedeng magkamali at ung mga taong feeling superior na akala mo sila ang boss ng lahat.
Minsan, pag sila ang nakakasalamuha ang pakiramdam ko napaka sama ko ng tao, na salbahe ako... Yung pag opinion mo, walang kwenta, hahanap at hahanap sila ng mali or ikamamali ng ginagawa or sinasabi mo, pero pag opinion nila, need mo tanggapin, need mo mag-agree... Nakakainis na rin kasi eh... Sobrang challenge lang na makisama minsan, kung pwede mo lang sila itapon lahat, siguro nagawa ko na, pero alam mo naman di pwede, so tiis tiis lang...
May mga panahon lang, gusto mo nang sumagot, gusto mo na magalit. ANO BA?! Pwede ba itikom mo na lang ang bibig mo, dahil wala naman maganda lumalabas, nakaka-stress ka lang...
Sana pwede, sana pwedeng sabihin, sana pwede lang magalit, sana pwede lang magmura... HAHAHA.. Well, if I want to keep the peace, I can't do that... so tiis tiis na lang muna.. hanggang maybe later, maybe one day... everything will fall into place and I will be free from this prison without bars
Martes, Abril 14, 2020
Mas Tatagal Pa
Kagabi, kausap ko ang mga kapatid ko, update update, kamustahan, habang nagbro-browse sa laptop, nakita ko na si PRRD na nagpa-press conference, iba talaga ang oras ng presidenteng ito... sinilip ko ang oras, 12:30am na... hahaha... imba talaga...
Seems like inextend niya ang quarantine.. well, it's not unexpected, tumataas pa rin ang number ng infected people dito sa Pinas, matigas pa rin ang ulo ng tao... maraming excuses, maraming sinasabi, reklamo, palusot, complain, what have you's, lahat may dahilan, lahat may lusot.
So ang ending? Mukhang mas matagal pa kesa sa April 14 at April 30 ang lockdown.... baka umabot pa ng May... hayst... ano na nga kayang mangyayari sa, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo... and yes, the world? eagerly awaits...
Lunes, Abril 13, 2020
Updates Updates
Matagal na rin pala akong hindi nakasulat dito... matagal na rin nung huli akong nakapaglabas ng saloobin...
Ngayon isang buwan na halos ng malock-down, ma-quarantine, kung ano man ang gusto mong tawag dyan... pero isang buwan na halos na sa bahay lang...
Weh? Ano bang bago, dati naman na yan sa akin...
Pero iba pala ang pakiramdam kung mayroong nagsasabi sa iyo na bawal kang lumabas... na bawal kang umalis ng bahay, dun sa isip na alam mong anytime kung ikaw ay naiinip ay pwede ka lang lumabas, mangapitbahay or pumunta sa mall para mag-aliw...
Maraming laman ang isip ko.. maraming bagay na gumugulo at nagpapanatag din naman sa aking kalooban...
mamaya baka masabi ko rin.. mamaya baka maisulat din.. pero sa ngayon, dito muna.. sa akin na lang muna, hanggang di na kayanin at isiwalat na rin
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)