Biyernes, Marso 20, 2026

Magulong Mundo

Totoo, ang gulo na ng mundo. Maraming mga bagay ang di na maintindihan. Kaliwa't kanan ang mga pulitiko, ang lakas manloko. Kaawa awa ang mga Pilipino, patuloy na naniniwala sa kanilang iniidolo. Hayst, sa dulo pera at kapangyarihan pa rin ang hanap nila, walang paki sa mga taong lalong naghihirap.  Ang mahal ng gas, ng bilihin, di na malaman kung anong gagawin, malamang pati kuryente at tubig tataas na rin. 

Isama mo pa ang aking isipan puno na rin ng kaguluhan. Bukod sa mga nagpapahirap sa labas, tulad na nga niyang nagtataasan na bayarin at bilihin. Marami na ring bumabagabag sa akin. Mula pa sa mga bagay na gusto kong gawin sa buhay at kung paano yun maabot, isama mo pa ang isipin sa estado ng kalusugan ng hipag ko, mga kailangan sa pagtatapos ng mga bata, pati na rin ang personal kong mga relasyon, di lang sa aking mga pinakamamahal sa buhay, kundi pati na rin sa mga taong tinuring na kaibigan. 

Nakakaloka na talaga. Tipong ang dami na ngang problema sasali pa ung mga bagay na hindi na sana dapat problemahin pero eto na nga, problema pa rin sa aking isipan. Ayaw ko na nga minsan magisip pero nasanay na rin kasing dalhin lahat at sa ngayon nahihirapan bitiwan. Paano nga ba? Paano nga ba pawalan ang mga problemang di matapos tapos. Mga isiping dapat ng kalimutan pero andito pa rin sa puso at isipan. Paano nga ba bibitwan ang mga bagay na pinahalagahan sa matagal tagal ding panahon pero itinapon lang ng iba, na parang mabahong basura na walang halaga ni kaunti man lamang. 

Dala pa rin ng puso, gusto ko ng bitiwan pero di ko alam kung paano, lumayo ako para hanapin ang katahimikan pero hanggang sa ngayon, mailap ang kapayapaang hinahanap ko. Tahimik ang mundo ko, lagi kong sinasabi, pero hindi ito nanhanhahulugang payapa ako. Maraming nabitiwang salita sa magkabilang panig, maraming nabuo sa isipan na hindi matuldukan at malamang hindi na matuldukan. Haist. ang hirap lang talaga. Sana lang maging maayos na ako, dahil malapit na malapit ng bumigay ang damidamin ko, Ayokong sumuko sa buhay pero isang hibla na lang, bibigay na talaga ang hawak ko


Lunes, Marso 09, 2026

Ang Tagal Na Pala

 

Ngayon ko lang napansin, ang tagal na pala ng blog na ito pero wala naman yata akong magandang nailagay, Hahaha... 

Inisip ko na gawin itong isang lugar para maging makata o magpilit maging makata, para lang din may paglagyan ang mga nasa loob ng aking isipang nais nang kumawala. Tagalog ang sulat at konteksto, dahil parang mas makata pakinggan ang wika. Subukan natin palawigin ito. Samahan ninyo ako...

Huwebes, Pebrero 19, 2026

Malayo Layo Pa

tak 

Minsan ang gulo ng isipan, hindi alam kung saan hahanapin ang sigla. 

Malayo pa ang kailangang abutin para maging maayos ang sarili 

Hindi pa handang tumalikod, pero naghahanda na... 

Maraming pumapasok sa isip kung anong dapat gawin, pero sa ngayon status quo na muna. 

Photo by Kaique Rocha httpswww.pexels.comphotowet-country-road-in-a-forest-775199

Pero isa lang ang sigurado ako, pagod na ako, pagod na pagod na... 

Pagod ng lumaban

Pagod ng umasa

Pagod ng maging mabuti

Pagod na rin magmaldita

May takot ako, takot na magisa, dati hindi naman pero ngayon ay oo na, marahil hindi na sanay pero dapat turuan ko na ang sarili na gawin yun. Nakakakaba, pero anong choice meron ako? Parang wala naman, dahil dun ako dinadala ng pagkakataon, doon parang mas magiging maayos ang pagiisip, sana magkaroon ako ng lakas, lakas na tumakas sa nasadlakan kong putik na patuloy na lumulunod sa aking pagkatao

Biyernes, Agosto 07, 2020

Mga Hinagap Sa Umaga


Kung tutuusin napaka-aga pa... lampas alas otso pa lang ng umaga...  Ngunit hanggang ulo na ang nararamdaman, halo halo... frustration, inis, lungkot, disappointment, kasama ng kagustuhang magapi un, ung pagpipilit na maging masaya, maging positive, nandun ung gusto ko na lang sumigaw at sabihin at totohaning, a'balakayodyan!!! Sabagay, naiisip ko rin na maaring bakas pa rin ito ng mga nakaraang araw... 

Naloloka na ako sa mundo ko... gusto kong tumakas, umalis at kalimutan ang lahat. kung pwede lang. pero alam ko naman na hindi, pero sana lang.. sana lang magkaroon ng pagkakataon na tunay na mabago ang lahat. Hindi ko na alam talaga kung anong dapat gawin. Malapit na malapit na talaga akong bumigay. Siguro kung mahina hina lang ako, wala na, nagpatiwakal na siguro ako. Naniniwala pa rin akong hindi ako papabayaan ng Diyos, na nakatingin lang siya, pinapalakas ako. Sinusubok marahil. Tinuturuan. 

Maraming bagay na umiikot sa aking isipan, maraming gustong subukan gawin, pero hindi ko alam kung saan o paano magsisimula pero alam kong dapat kong i-ayos ang sarili ko kung gusto kong abutin ang mga gusto kong maabot. Naghahanap ng maganda sa buhay ko, pero pag nakikita ko ang mga bagay na hindi ko gusto, na hindi tama para sa akin, nawawala ako sa focus, nawawala sa gusto kong gawin at ang umiikot na lang sa isip ko ay inis o galit. sinusubukan kong wag pairalin un, pero nahihirapan ako. siguro kasi sa personality ko, na kailangan kong mailabas ang opinyon ko, na madali akong tamaan emotionally, na I'm an emotional person, nahihirapan ako. gusto kong mabago un para hindi na lang maapektuhan ng mga bagay na nakikita ko at pinapangarap na hindi un ang nangyayari. 




Siguro one of these days, elaborate ko ang buhay ko. para mas maintindihan kung saan ako nang-ga-galing, pero sa ngayon, magulo ang utak ko, kailangan ko lang mailabas, kakatapos lang ng mugto ng mata ko sa pagiyak kahapon, ayoko na munang umiyak ulit, pero I'm on the verge, pray for me. Help me get through this day. 

Narealize ko na ngayong umaraw, although not totally in sync, I tried to start my day with a prayer, but in the middle of the morning, I still allowed my emotions to rule. Whew! Ang hirap talaga... Ha ha ha! 
Minsan si taning ang galing din eh ano... alam na alam niya kung saan ka titirahin and tulad ngayon, I let that guy trap me into my emotions.. I  know I shouldn't, that I should learn to practice self control. It's a challenge I know I have to win over, if I really want to become happy and content.  And I will, I know I will. God guides me always.

Each day is a struggle to win and I don't always. Pero alam ko naman na marami ring araw na ako ang panalo. So yun na lang ang iisipin ko, that I start to allow myself those small victories. Dwell on that and not on the failures. I know one day, I will find myself smiling for real, smiling from the heart with a real joy that is felt from the heart. 






Miyerkules, Hunyo 24, 2020

Tengga is Life!

Tengga... masarap tumengga.. walang ginagawa... 
Upo, higa, laro at ulitin pa natin ulit. 
Tengga is life! nga ba? 

Pag nasita, madali din namang sabihin na hindi na ako tetengga, hindi na ako maglalaro, hindi na ako hihiga or uupo, hindi na, hindi na... 
pero napakahirap panindigan. 

Ano nga bang gagawin para maintindihan na kailangang kumilos, kailangan gumalaw, 
kailangan gumawa ng paraan.

Pero hanggang may matatakbuhan, hanggang may malulusutan tila hindi mawawala, hindi matatapos. 

Hanggang dito na nga lang ba? Hanggang diyan na lang... 

Masarap tumengga, mas madali, mas madaling umasa sa iba. Mas madaling umayaw sa hamon ng buhay at hayaan na lang ang alon ang magdala sa atin sa kung saan, pero paano ang mga taong sa iyo umaasa, paano naman ang pamilyang nabuo? pabayaan na lang? hayaan na lang? Bahala na si batman, ipasa-Diyos ang lahat... 

Tama, ang Diyos ay hindi natutulog, patuloy ang pagtulong niya sa mga taong may pangangailangan, kahit na nga hindi karapatdapat... ngunit tama bang maghintay na lang ng biyaya habang tumetengga?

Hayst, kay sarap nga namang tumengga... kay sarap na wala kang responsibilidad na iniisip... pero ang siste lang.. meron eh... meron..  

Linggo, Mayo 10, 2020

At Nagpapatuloy ang Buhay...


Nakakatuwa ngunit nakakalungkot na rin
na sa paglipas ng panahon 
ang sakit ay lumilipas
ang lungkot ay napapawi

Tuwing ikaw ang sumasagi sa isip
Ang saya na lang ng nakaraan ang naaalala
Hindi na ang sakit ng iyong pagalis
Hindi na ang lungkot na wala ka na

Miss pa rin kita, ang nagiisip na sana ay nandito ka pa
Ngunit alam ko na mas masaya ka 
kung nasaan ka
Payapa at tahimik 
Tulad ng iyong ibig

Sa halos apat na taon ng iyong paglisan 
Hindi akalain na matatapos ang pagdadalamhati
Hindi akalain na malalampasan ang sakit 
Ngunit sa tulong at grasya ng Panginoon, nakayanan 
at patuloy na kakayanin

Ngayon, tuloy na ang buhay
Makakangiti ng ng tunay 
At tunay ng makakapagpapatuloy

Aming hiling 
Patuloy mo kaming ipanalangin
Patuloy mo kaming ilagak diyan sa iyong puso
Patuloy ka naming aalalahanin 
Patuloy ka naming itatanim sa aming puso 
at patuloy na itutuloy ang nasimulan mong adhikain 



 

Huwebes, Abril 30, 2020

Basag na Puso


gusto kong umiyak, magalit...
pero para ano pa?
para saan pa?
pagod na ko. pagod na ang puso.

ayoko na...
ayoko ng lumaban
ayoko ng magtiis
ayoko ng tumigin sa langit at mangarap
ayoko ng umasa na may pagbabago pa.

pagod na pagod na ang aking hinagap, pagal sa pagiisip. pagal sa pag-asa.

wala na...
talo na...
suko na...
tama na...
tapos na.