Lunes, Nobyembre 28, 2016

Turo Turo... Baka Ka Manuno...


Minsan siguro lang talagang mapansinin tayo sa kakulangan ng iba at hindi na napapansin ang kakulangan natin....

Paano nga ba maisasansantabi ang sariling opinion, haka-haka, at kuro-kuro para maitaguyod ang mas mabuti ng mas nakararami...

Ewan ko ba... hindi ko mawari kung bakit ngunit tunay na nakakalungkot na turo lang tayo ng turo... pero wala naman tayong ginagawa para maitama ang itinuturong mali...

turo dito... dapat ganito.. pwede naman ang ganito..

turo doon.. dapat ganoon.. madali lang naman pag ganon...

pero sa dulo ganon pa rin WALA KA PA RING GINAWA... nagmarunong ka lang...  na para bang ikaw lang ang may alam.. na para bang ikaw lang ang dapat pakinggan.. sarado ang tenga.. sarado ang isip sa mga dapat pagisipan dahil may sarili ka ng haka-haka sa kung anong dapat maganap...

Minsan siguro dapat matuto rin tayong magpakumbaba para mas maraming matulungan at maging mas maayos ang lahat kung matuto lang tayong magbaba ng kilay at makisama...

Miyerkules, Nobyembre 02, 2016

Kaibigan ba kita?



Biglang nagulat na lang na wala ka na sa aking tabi.. sa isang hinagap biglang parang bulang naglaho na lang.... nakalimutan na ang pinagsamahan.. nakalimutan na ang mga pinagdaanang magkasama... parang ganon lang kadali itapon para sa iyo ang pagkakaibigang kinimkim sa dibdib ng matagal na panahon...

Maaring mababaw kasi ang pinanggalingan.. maaring alam mo kasing di mo na ako pakikinabangan... maaring sa iyong isipan ay tapos na ang pangangailangan...

Sabi ka nila.. "it's your loss"

Nawa'y maging masaya... I don't wish you any bad.. nor do I wish you any ill luck... May you find your happiness and may your family be taken along with it... Yes, I regret the loss of friendship but I don't regret losing you... you were the one who decided to not be my friend, so I will let you go as you wish....

Goodbye to you... Good riddance