Biyernes, Marso 20, 2026

Magulong Mundo

Totoo, ang gulo na ng mundo. Maraming mga bagay ang di na maintindihan. Kaliwa't kanan ang mga pulitiko, ang lakas manloko. Kaawa awa ang mga Pilipino, patuloy na naniniwala sa kanilang iniidolo. Hayst, sa dulo pera at kapangyarihan pa rin ang hanap nila, walang paki sa mga taong lalong naghihirap.  Ang mahal ng gas, ng bilihin, di na malaman kung anong gagawin, malamang pati kuryente at tubig tataas na rin. 

Isama mo pa ang aking isipan puno na rin ng kaguluhan. Bukod sa mga nagpapahirap sa labas, tulad na nga niyang nagtataasan na bayarin at bilihin. Marami na ring bumabagabag sa akin. Mula pa sa mga bagay na gusto kong gawin sa buhay at kung paano yun maabot, isama mo pa ang isipin sa estado ng kalusugan ng hipag ko, mga kailangan sa pagtatapos ng mga bata, pati na rin ang personal kong mga relasyon, di lang sa aking mga pinakamamahal sa buhay, kundi pati na rin sa mga taong tinuring na kaibigan. 

Nakakaloka na talaga. Tipong ang dami na ngang problema sasali pa ung mga bagay na hindi na sana dapat problemahin pero eto na nga, problema pa rin sa aking isipan. Ayaw ko na nga minsan magisip pero nasanay na rin kasing dalhin lahat at sa ngayon nahihirapan bitiwan. Paano nga ba? Paano nga ba pawalan ang mga problemang di matapos tapos. Mga isiping dapat ng kalimutan pero andito pa rin sa puso at isipan. Paano nga ba bibitwan ang mga bagay na pinahalagahan sa matagal tagal ding panahon pero itinapon lang ng iba, na parang mabahong basura na walang halaga ni kaunti man lamang. 

Dala pa rin ng puso, gusto ko ng bitiwan pero di ko alam kung paano, lumayo ako para hanapin ang katahimikan pero hanggang sa ngayon, mailap ang kapayapaang hinahanap ko. Tahimik ang mundo ko, lagi kong sinasabi, pero hindi ito nanhanhahulugang payapa ako. Maraming nabitiwang salita sa magkabilang panig, maraming nabuo sa isipan na hindi matuldukan at malamang hindi na matuldukan. Haist. ang hirap lang talaga. Sana lang maging maayos na ako, dahil malapit na malapit ng bumigay ang damidamin ko, Ayokong sumuko sa buhay pero isang hibla na lang, bibigay na talaga ang hawak ko


Lunes, Marso 09, 2026

Ang Tagal Na Pala

 

Ngayon ko lang napansin, ang tagal na pala ng blog na ito pero wala naman yata akong magandang nailagay, Hahaha... 

Inisip ko na gawin itong isang lugar para maging makata o magpilit maging makata, para lang din may paglagyan ang mga nasa loob ng aking isipang nais nang kumawala. Tagalog ang sulat at konteksto, dahil parang mas makata pakinggan ang wika. Subukan natin palawigin ito. Samahan ninyo ako...

Huwebes, Pebrero 19, 2026

Malayo Layo Pa

tak 

Minsan ang gulo ng isipan, hindi alam kung saan hahanapin ang sigla. 

Malayo pa ang kailangang abutin para maging maayos ang sarili 

Hindi pa handang tumalikod, pero naghahanda na... 

Maraming pumapasok sa isip kung anong dapat gawin, pero sa ngayon status quo na muna. 

Photo by Kaique Rocha httpswww.pexels.comphotowet-country-road-in-a-forest-775199

Pero isa lang ang sigurado ako, pagod na ako, pagod na pagod na... 

Pagod ng lumaban

Pagod ng umasa

Pagod ng maging mabuti

Pagod na rin magmaldita

May takot ako, takot na magisa, dati hindi naman pero ngayon ay oo na, marahil hindi na sanay pero dapat turuan ko na ang sarili na gawin yun. Nakakakaba, pero anong choice meron ako? Parang wala naman, dahil dun ako dinadala ng pagkakataon, doon parang mas magiging maayos ang pagiisip, sana magkaroon ako ng lakas, lakas na tumakas sa nasadlakan kong putik na patuloy na lumulunod sa aking pagkatao