Martes, Agosto 09, 2016

Tunay na Kaibigan

Wala akong ibang maibibigay kundi tunay na pagkakaibigan...wala akong maraming kayaman, alahas, o pera... ang tanging meron lang ako ay ang pagiging totoong tao at kahit na kailan ay di magsisinungaling sa iyo...

Maaring masaktan ka sa maari kong sabihin, maaring magalit sa mga bagay na maari kong mabanggit na mapapansin ko ukol sa iyo, ngunit pawang totoo lang ang sasabihin ko.. yan ang pagkatandaan mo...

I'd rather be true to you than let you believe a lie that will only hurt you further or hurt you in the end...

yan lang ang kaya ko.. maging tunay na kaibigan sa iyo at magsabi ng totoo gaano man kasakit ito...

kung di mo matanggap na ganon lang talaga ako, maari mo ng kalimutang nakilala mo ako...

Nalilitong Isipan


Paano nga ba? Sabi nila magfocus lang daw.. focus, focus, focus... Pangako.. sinusubukan ko naman.. ngunit hindi ko maintindihan, dahil parang kahit na anong focus ang gawin ko, parang ganon pa rin ang dulo... magulo pa rin ang mundo ko...

Sa dami ng gustong gawin, sa dami ng gustong marating, parang nahihinto na lang dito sa isang tabi at pilit na hinahanap ang solusyon sa mga palaisipang parang wala namang katugunan.

Naguguluhan pa rin ako... patuloy pa rin ang panalangin... pero parang kulang, kulang pa ang pagdarasal... dahil parang marami pa ring tanong marami pa ring mga bagay na hindi makuha... at hindi maintindihan..

kahit na gusto parang bumabaon lang sa hindi umuubra... parang parati na lang nalalagay sa alanganin... parang parati na lang kulang, bitin at hindi inaabot ang tagumpay na gustong maabot...

Nalilito na, ano ba talagang dapat gawin.. ano ba talagang kailangan pagisipan at bigyan ng pansin...

Lunes, Agosto 08, 2016

Malalim na Palaisipan


Minsan nagugulo ang aking isipan, hinahanap pa rin ng isip ang kasagutan, sa mga tanong na tila wala namang kasagutan.  Paano nga ba pananatilihin ang puso ay payapa? Paano nga ba hindi maghahangad ng karangyaan sa buhay... Paano nga ba iisiping mas gusto ang payak at simple kaysa sa kagandahan ng magarbong mga bagay?

Hindi matanggap ng aking isipan na dapat na lang tanggapin ang ganitong bagay, na dapat na lang ganito ang gawin na dapat na lang tanggapin kung wala ay wala.. di ba dapat pagsumikapan na makamit at maabot ang karangyaan at tagumpay na inaasam?

Hindi na minsan maisip kung anong gagawin para lang maabot ang katagumpayan na gustong marating. Maraming nasa isipan ngunit tila walang naabot ang iniisip na maaring maging kasagutan..
Parang palaging bitin ang mga hakbang, parang tila lagi na lang kulang... ano nga ba.. ano nga bang dapat gawin?