Noong Linggo at Lunes, hindi lubos ang saya ko, kasi di kita nakita :)
pero bawing bawi naman ngayon gabi, dahil di lang kita nakita, nakakwentuhan pa kita at ang sarap isipin na para akong may kakampi ngayon, dahil kuhang kuha mo ang sentimyento ko ukol sa mga tao sa aking paligid... At di lang un... sumama ka pa sa amin sa aming pagpupulong.. haay.. anong ligaya ko nga...
Pagod at inaantok na ko, pero ang ngiti ko naman ay hanggang tenga aabot...
Sana isang araw, sana dumating ang panahon, na kaya na kitang tawaging tunay na kaibigan ko..
Aking mga palagay, hinagap, kuro-kuro, pagiisip at kung ano pang mapagisipan, kasama na ang mga sariling likha tulad ng tula, storya at kung ano ano pa ^_^
Miyerkules, Enero 27, 2016
Linggo, Enero 24, 2016
Wala Ka...
Nagmamadaling umalis... halos lakad takbo na ang gawin... sa pag-asang ikaw ay masilip.. makita... Ngunit sa aking pagdating hindi ka nasilayan ng aking paningin...
Hindi naman malungkot.. ngunit di rin masaya... akin na lang na pag-asa na sana sa susunod ay masilayan ka na...
Sabado, Enero 23, 2016
Nasa Isip Lang
Ayan nakita na naman kita..nakasama at nakausap pa...
paano ba naman ito...
Ako'y tunay na nangingiti tuwing ika'y nakakasama...
Alam kong walang pag-asa
Alam kong wala naman talaga...
at hindi naman talaga...
Kay sarap lang isipin na ikaw ay abot kamay ko na
Kay sarap lang isipin na ikaw ay nakakapiling na
Hay pag ikaw ay nasa isip na.. ang ngiti ko hanggang taenga na...
Ikaw ay inspirasyon at tunay ngang ikaw
Talagang tunay akong humahanga
talagang tunay nga
Sa aking hinagap di man lang sumaisip na ako'y hahanga sa isang tulad mo at sa edad kong ito..
Ganyan lang talaga siguro ang buhay at sadyang tanggap na..
Nais ko lang sana, na ikaw ay maging tunay na kaibigan
para kahit man lamang sa ganon paraan ay tunay kitang makasama....

Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)