Huwebes, Enero 31, 2013

Kaibigan Ba Kita?

Ano nga ba ang sukatan ng pagiging isang kaibigan?

Ito ba ay ung mga taong nakilala mo noon pa? Mga kababata, mga nilalang na nakita ka ng tumatakbo ka pa sa labas ng bahay na walang salawal?

Ito ba ang mga tanong nakakasama mo ngayon? sa trabaho o sa skwela? sila ba ang mga taong tinatawag mong kaibigan?

Sino ba ang kaibigan mo? Siya ba ung taong dati mong kasama.. pero ngayon ay di mo na nakikita pero pag nagkita kau ay parang wala namang nagbago, pero alam mong hindi na rin nya kilala kung sino ka ngayon

O sya ba ung taong kasama mo simula pa nong una hanggang ngayon pero di ka naman talaga kilala? O ung taong kilala mo na simula pa at kilala ka mula ulo hanggang paa?

O ang tao ba na nandyan masaya ka man o malungkot, problemado o umaasenso... handang tumulong kahit na ano man... binabatukan ka pag may mali kang nagawa pero unang una rin namang tumatalon sa tuwa pag may napagtagumpayan ka....

Sino ba talaga? Paano ba talaga sinusukat ang pagiging kaibigan?

Sige nga.. sukatin nga natin ang pagiging isang kaibigan...

Guilty!

Anong gagawin mo kung sakaling ang inaakala mong hatol ay hindi ang gusto o inaasahan mo?

Pano kung ang hatol ay ang tama lang pero hindi mo lang kaya tanggapin? O hindi ang gusto mo dahil sa maraming bagay? Anong gagawin mo?

Sa ngayon.. tulala pa ang lahat sa nasaksihan, di pa makapag-isip.. di pa alam kung anong dapat na mga hakbang na gawin.. Wala pang konkretong gusto mangyari, wala pang gusto sumagot sa mga nakabiting mga tanong...

Anong epekto ng mga nangyari.. di pa alam.. wala pang gustong umalam.. ngunit sigurado darating ang punto na kailangan tanggapin at kailangan magsimula ng panibago and move on.

haaaaaaaaaayyyyy... another challenged set forth.. ready to be conquered...



Lunes, Enero 28, 2013

God's Goodness


Moving from Doubt to Faith
“LORD, ‘Increase our faith.’” (Luke 17:5 NKJV)
Why do we experience so much doubt?(1) Because doubt satisfies our need for self-protection. We don’t like to be wrong, to get hurt, or to fail, so our subconscious reasoning says, “It’s easier not to trust, to lower my expectations so I won’t be disappointed.” But you are disappointed, aren’t you? Why? Because of your doubt. 
(2) Because doubting comes easy. We don’t wake up in the morning and say to ourselves, “Today I’m going to doubt GOD.” No, doubt moves into a vacuum, it takes over when we don’t do the right things. “Faith cometh by hearing, and hearing by the word of GOD” (Romans 10:17). If we don’t keep our mind filled with GOD’S Word we will be constantly assailed by doubts. 
(3) Because doubters are easy to find. Sometimes the people around us dwell on all the obstacles and difficulties, opening the door to doubt. And once that stream starts flowing, we get carried along with it. 
(4) Because doubting is contagious. Doubt is easier to catch than the common cold, and its carriers are words. The Bible says, “You are trapped by your own words” (Proverbs 6:2 CEV). The words we speak and listen to will either build us up or tear us down, we increase our faith or decrease it. For example, “What will I do?” versus, “In GOD’S strength I can handle it.” Or, “It’s awful” versus, “It’s a learning experience.” Or, “I see no way out” versus “It’s not too big for GOD.” Words are powerful things. They determine our outlook and approach to life. So in order to move from doubt to faith we must start eliminating unscriptural words from our lives!

This is a post from one of the leaders of my online network marketing business and with this week's bigat, I feel blessed to have met people that encourages and boosts people up. Even if it wasn't his intention to boost me personally, I am glad to have read his post and got blessed by it, tuloy tuloy na sana ang pag-akyat ng wisyo ko...
Sa ngayon ang gusto ko lang muna ay to feed myself with everything positive. Sana magawa ko para maboost ko naman ang sarili ko at may ma-achieve ako, kesa nakaupo ako dito at nagmumukmok dahil na-iinis ako at natatakot sa kung anong mangyayari bukas.

Linggo, Enero 27, 2013

A Dialogue, or a Monologue?

Sometimes we tend to take things for granted.... ung mga tipong 'alam na nya yun' or 'wala naman akong masasabi regarding that eh',

Alam na nga ba? or wala ka nga bang masasabi?

Minsan ayaw lang natin sa conflict kaya sige, oo na lang tayo sa mga sinasabi kahit sa loob loob natin ay hindi tayo payag or hindi tayo sang-ayon sa sinasabi.

Ang hirap kasing mag-assume na alam na ng isang tao kung anong nasa isip natin or may opinion tayo na iisipin natin ay hindi naman importante.

Isa yan sa napakalaking dalahin ko ngayon... Mahirap na isipin na wala kang opinion sa sarili mong bahay pero well, ganon na nga un and if you try to push your opinion, lumalabas na masama kang tao. Hindi rin madaling dalhin ang idea na wala kang kwentang tao, pero minsan un ang nararamdaman mo dahil un ang pinaparamdam sa iyo ng tao, minsan alam mo hindi naman siguro pero dumadating ka sa ganong punto na naniniwala ka na, kasi un ang nararamdaman mo.

Minsan alam mo na mahal ka ng isang tao, pero pag hindi nya na sinasabi un.. hindi ba minsan natatanong mo rin sa sarili mo, kung totoo pa ba ung naiisip mo... Minsan naman may conflict na dapat iresolve, you try to be honest as much as possible hangga't maari, gusto mo magsabi ng kung ano talagang feeling mo, pero ung kausap mo, tahimik, hindi ka sigurado kung nakikinig, hindi mo alam kung naiintindihan ka, anong dapat mong maramdaman? anong dapat mong gawin? deadma na lang? Gusto mong isipin na okay lang, na okay ka lang.. na everything will be alright, that everything will fall into it's place at God's perfect time, pero in the meantime, san mo ba dapat ilagay ang sarili mo? Saan mo ba dapat ilagak ang utak mo?

Don't worry be happy, sabi ng kanta.... pero paano mo gagawin un kung ang buong araw mo ay puno ng worries? na pag nakuha mo na ung iniisip mong saya mo, babaliin ng ibang tao... papainitin ang ulo mo, hahanap ng problemang wala naman jan, pero nagkakaroon kasi pinapansin at sinisita ang napakaliit na bagay?

Hindi kaya napakimportante ng idea na magusap kayo, magpalitan ng kuro-kuro, ng idea, para matahak ang tamang landas para sa iyong pamilya? Minsan pakiramdam ko ako lang ang magulang eh... ako lang ang nagiisip para sa kapakanan namin... na sya lagi lang iniisip na pede syang sumandal sa mga kapatid nya or sa nanay nya...

Hindi na kami bumabata at ang mga bata ay nagsisilakihan na.. hanggang dito na lang ba kami? hanggang dito  na lang ba ang aabutin namin.. lagi na lang nakalahad ang palad at nakasahod sa limos na gugustuhin ibigay ng taong inaasahang tumulong? Ito ba talaga ang tinahak kong buhay at dito na rin ako mauubos at mauupod?

Sabado, Enero 26, 2013

Maayong Umaga ba?

Mabigat ang araw na ito para sa akin...

Mabigat kasi maaga pa lang naririnig ko na ang ingay ng mga tao sa paligid ko...

Pinili kong manahimik pero nabibingi at naririndi na rin ako sa mga naririnig... gusto kong sabihin na pede bang tumigil ka na sa pagsasalita... kailangan bang talagang kasali ka sa lahat ng usapan kahit na hindi ka naman involved?

Kailangan bang lahat ng bagay ay paki-alaman mo at uriratin pa...

Araw ng Basura ngayon, sabi nya.... Basura mo.. naligpit mo na ba... ang natutulog na batang apo ay ginising pa para tanungin kung nasaan ang basura nila dahil maagang umalis ang nanay at tatay nya... talga bang kailangan istorbohin ang paminsan minsan lang abutin ng tanghali sa pagtulog na bata para lang masabi sa sarili na malinis ka at naitapon ang basura ng kapitbahay mo...Oo, kapitbahay matuturing dahil kahit na iisang compound kami... sa kabilang bahay pa rin un at nangistorbo pa rin

Nagluto ako ng tikoy.. naupo sa silya at hiniwa ang malagkit na kakainin... ano yan? tanong nya.. Tikoy po, sagot ko.. tikoy? opo tikoy, bigay po ng kaibigan ko kagabi... sa isip ko.. nakikita mo na nga kung ano, tatanong mo pa, sinagot ko na, kailangan pang iconfirm? unli lang? unli? (hahahaha)

Haaay.. nagsisimula pa lang ang umaga nyan... Maya maya nahagap nya ang kape ng asawa ko na umalis para ihatid ang kapatid nya sa trabaho... Oi! ang kape naiwan!

Sheesh, alam naman nya na gusto ng asawa ko ng malamig na kape... sinadya nitong iwan un para mamaya pag balik nya pedeng-pede na nyang inumin... parang bago ng bago... nalolokah na ako.... gusto ko ng sumagot pero alam ko hindi pwede.. hindi tama.. dahil sya'y nakakatanda at dapat igalang.

Haaay buhay...

Biyernes, Enero 25, 2013

Panimula

This is my first tagalog blog.



I think I can safely say na seasoned blogger na ako.. marami na akong nagawang blog.. pero puro English... so ngayon po.. nagdecide akong gumawa ng blog na Filipino naman.. sa sariling lenguahe ko naman... Maraming bagay na naniniwala akong mas masasabi ko kung isusulat ko sa sariling salita ko, sa native language ko kung baga... sana lang maappreciate din ng lahat ng makakabasa...



Salamat po sa pagdalaw....