Pasko na! Pero parang hindi ko ramdam...
Pasko na! Pero parang ordinaryong araw lang...
Pasko na! Pero bakit parang hindi na kasing saya gaya ng dati???
Nakakalungkot isipin na ang pasko ngayon ay ganito na... parang hindi nadarama.. parang ordinaryong araw na lang ito sa buhay ng mga tao...
Merong mga taong may pasok sa dakilang araw ng pagsilang ng sanggol. Merong mga nag-i-isa.. Meron may kasama man, di naman naramdaman ang pasko...
Sigaw ng isang bata sa labas... walang kwentang pasko!!!
Wala na nga bang kwenta ang pasko? Ito nga ba ay isang okasyon na lamang para gumastos ng para sa pagkain, para sa regalo sa mga inaanak na siguradong kakataok pagdating ng araw na ito?
Nakakalungkot isipin na ganon na lang ang tingin ng iba sa pasko. Nakakalungkot isipin na wala na itong halaga para sa iba...
ako?
Aaminin ko, ramdam ko rin ang pagiiba ng pagturing ng marami sa pasko, ramdam ko rin na maraming bata ngayon na sa materyal na bagay na lang nakatuon ang paningin at di na nakikita ang tunay na kahulugan ng kapaskuhan.
Ngunit gusto ko pa ring isipin na marami pa ring mga tao ang nagpapahalaga sa araw na ito.. na marami pa ring mga tao ang inaalala ang dakilang araw ng pagsilang ng ating tagapagligtas...
Natutuwa ako dahil punong-puno ang simbahan sa misa de gallo na puno din ang simbahan nuong simbang gabi... nasambit ko lang na sana ganon linggo-linggo, na ang mga tao di lang tuwing pasko naalalang dumulog sa simbahan at magdasal sa mapagpalang Ama.
Marahil iba na nga ang tingin ng marami sa pasko... marahil iba na nga ang mga nagiging kaugalian natin pagdating sa araw na ito... ngunit sana lang... taimtim kong panalangin.. na kahit ano pa man ang mga maging bagong kaugalian tuwing sasapit ang pasko ay manatili pa rin sa atin ang tunay na diwa nito... dumating na ang tagapagligtas... ipinanganak siya ng may pagkababang loob at nilagak sa sabsabsan upang maabot ng lahat... nawa palagi natin siyang pilitin abutin at kapitan ng mahigpit sa kanyang mga kamay, dahil ang pagpapapala ni Kristo ay lagi lamang sa abot-kamay natin...
Aking mga palagay, hinagap, kuro-kuro, pagiisip at kung ano pang mapagisipan, kasama na ang mga sariling likha tulad ng tula, storya at kung ano ano pa ^_^
Linggo, Disyembre 25, 2016
Biyernes, Disyembre 09, 2016
Mga Hinagap ng Isipan...
Kanina habang inaabangan kang dumating kung saan kita hinihintay, umiihip sa isipan, ang tagal mo naman...
Maya maya'y nakita ka na...
Sa mga ganitong pagkakataon na nasilayan na kita ngunit di mo pa ako nakikita, kahit na mainit at pinagpapawisan, nakikita ko pa rin ang lalaking aking minamahal..
Sa mga panahong hindi tayo nagkakaintindihan, ilang beses ko na rin naitanong sa sarili na kung tunay nga ba ang nararamdaman... at sa ganito namang pagkakataon, na walang kang kamalaymalay, sumasagi din sa isip kung gaaano kita kamahal at gaano ka kahalaga sa akin.

Lunes, Nobyembre 28, 2016
Turo Turo... Baka Ka Manuno...
Minsan siguro lang talagang mapansinin tayo sa kakulangan ng iba at hindi na napapansin ang kakulangan natin....
Paano nga ba maisasansantabi ang sariling opinion, haka-haka, at kuro-kuro para maitaguyod ang mas mabuti ng mas nakararami...
Ewan ko ba... hindi ko mawari kung bakit ngunit tunay na nakakalungkot na turo lang tayo ng turo... pero wala naman tayong ginagawa para maitama ang itinuturong mali...
turo dito... dapat ganito.. pwede naman ang ganito..
turo doon.. dapat ganoon.. madali lang naman pag ganon...
pero sa dulo ganon pa rin WALA KA PA RING GINAWA... nagmarunong ka lang... na para bang ikaw lang ang may alam.. na para bang ikaw lang ang dapat pakinggan.. sarado ang tenga.. sarado ang isip sa mga dapat pagisipan dahil may sarili ka ng haka-haka sa kung anong dapat maganap...
Minsan siguro dapat matuto rin tayong magpakumbaba para mas maraming matulungan at maging mas maayos ang lahat kung matuto lang tayong magbaba ng kilay at makisama...
Miyerkules, Nobyembre 02, 2016
Kaibigan ba kita?
Biglang nagulat na lang na wala ka na sa aking tabi.. sa isang hinagap biglang parang bulang naglaho na lang.... nakalimutan na ang pinagsamahan.. nakalimutan na ang mga pinagdaanang magkasama... parang ganon lang kadali itapon para sa iyo ang pagkakaibigang kinimkim sa dibdib ng matagal na panahon...
Maaring mababaw kasi ang pinanggalingan.. maaring alam mo kasing di mo na ako pakikinabangan... maaring sa iyong isipan ay tapos na ang pangangailangan...
Sabi ka nila.. "it's your loss"
Nawa'y maging masaya... I don't wish you any bad.. nor do I wish you any ill luck... May you find your happiness and may your family be taken along with it... Yes, I regret the loss of friendship but I don't regret losing you... you were the one who decided to not be my friend, so I will let you go as you wish....
Goodbye to you... Good riddance
Martes, Agosto 09, 2016
Tunay na Kaibigan
Wala akong ibang maibibigay kundi tunay na pagkakaibigan...wala akong maraming kayaman, alahas, o pera... ang tanging meron lang ako ay ang pagiging totoong tao at kahit na kailan ay di magsisinungaling sa iyo...
Maaring masaktan ka sa maari kong sabihin, maaring magalit sa mga bagay na maari kong mabanggit na mapapansin ko ukol sa iyo, ngunit pawang totoo lang ang sasabihin ko.. yan ang pagkatandaan mo...
I'd rather be true to you than let you believe a lie that will only hurt you further or hurt you in the end...
yan lang ang kaya ko.. maging tunay na kaibigan sa iyo at magsabi ng totoo gaano man kasakit ito...
kung di mo matanggap na ganon lang talaga ako, maari mo ng kalimutang nakilala mo ako...

Nalilitong Isipan
Paano nga ba? Sabi nila magfocus lang daw.. focus, focus, focus... Pangako.. sinusubukan ko naman.. ngunit hindi ko maintindihan, dahil parang kahit na anong focus ang gawin ko, parang ganon pa rin ang dulo... magulo pa rin ang mundo ko...
Sa dami ng gustong gawin, sa dami ng gustong marating, parang nahihinto na lang dito sa isang tabi at pilit na hinahanap ang solusyon sa mga palaisipang parang wala namang katugunan.
Naguguluhan pa rin ako... patuloy pa rin ang panalangin... pero parang kulang, kulang pa ang pagdarasal... dahil parang marami pa ring tanong marami pa ring mga bagay na hindi makuha... at hindi maintindihan..
kahit na gusto parang bumabaon lang sa hindi umuubra... parang parati na lang nalalagay sa alanganin... parang parati na lang kulang, bitin at hindi inaabot ang tagumpay na gustong maabot...
Nalilito na, ano ba talagang dapat gawin.. ano ba talagang kailangan pagisipan at bigyan ng pansin...
Lunes, Agosto 08, 2016
Malalim na Palaisipan
Minsan nagugulo ang aking isipan, hinahanap pa rin ng isip ang kasagutan, sa mga tanong na tila wala namang kasagutan. Paano nga ba pananatilihin ang puso ay payapa? Paano nga ba hindi maghahangad ng karangyaan sa buhay... Paano nga ba iisiping mas gusto ang payak at simple kaysa sa kagandahan ng magarbong mga bagay?
Hindi matanggap ng aking isipan na dapat na lang tanggapin ang ganitong bagay, na dapat na lang ganito ang gawin na dapat na lang tanggapin kung wala ay wala.. di ba dapat pagsumikapan na makamit at maabot ang karangyaan at tagumpay na inaasam?
Hindi na minsan maisip kung anong gagawin para lang maabot ang katagumpayan na gustong marating. Maraming nasa isipan ngunit tila walang naabot ang iniisip na maaring maging kasagutan..
Parang palaging bitin ang mga hakbang, parang tila lagi na lang kulang... ano nga ba.. ano nga bang dapat gawin?
Lunes, Abril 25, 2016
Eleksyon Na Naman
Eleksyon na naman... nandiyan na naman ang tapunan ng putik, siraan, pataasan ng ihi, ng ere ng mga kandidato... Sa totoo lang nakakasawa na... paulit ulit...
Inisip ko na lang na kung sakaling manalo ang isang kandidato at mangyari ang mga bagay na kinakatakot ng mga tao... ano kayang sasabihin ng mga die hard na supporters niya na kulang na lang ay sambahin sya?
Nakakatakot isipin ang mga maaring mangyari.. nakakatakot din isipin ang mga kahihinatnan ng eleksyon na ito.
Sa aking hinagap... malamang wala naman akong magagawa... Boboto ako sa tawag ng aking kunsensya... not the popular vote maybe but I think its the wisest choice for now.. for me at least...
Matagal akong nanahimik, nagiisip kung sinong iboboto matagal walang imik... tuwing itatanong kung sinong iboboto.. di makasagot, dahil sa totoo lang walang mapili eh.. walang makitang karapatdapat...
Sa aking hinagap, ayaw kong magsettle, na pwede na sa isang kandidato dahil wala eh.. walang mapili... nagsimulang maging mapanuri...
Unang pumasok sa isipan.. si Grace Poe. pero sigurista at oportunista.. hindi ko inisip na siya ay hindi pilipino.. hindi un ang punto ko.. ang naisip ko lang... iniwan nya ang pagkapilipino nya para maging amerikano, dahil malamang, sa tulad nating lahat.. mas maganda ang opportunity duon.... oportunista... at ang pamilya nya, remains US citizens, sinasabing magpipilino KUNG siya ang mananalo.. sigurista.. sa isang banda magandang mga katangian ng isang tao, pero hindi para sa isang pangulo ng Pilipinas... At isa siyang bagito... wala pang alam... hindi biro ang gusto nyang pasukin.. parang gusto short cut.. di pa graduate ng high school gusto na agad maging executive ng isang companya... or entry level, new graduate gusto managerial position agad.. something like that...
Sumunod naman, si Duterte, he is brash and fearless... seems like he would be a capable leader... Hmmm... is he the one? But oooppssss.. his disregard for authority... his failure to respect women.. and his bold pronouncements of eradicating crime... drugs... He scares me.. I'm afraid of what he will do or what he is willing to do... He said it himself... It will be bloody... but will the innocents be spared? will all the guilty pay? or will the guilty without money be the only ones to pay? He said he is not corrupt, but coming from his own mouth, he received gifts from various personalities, so what do you call that? Because it didn't come from the coffers of the country, hindi na corrupt... Hmm.. selective lang yan siya...
Binay, well, they did their job on him and he's not on the running... Sorry po sa mga suppoters nya... pero di ko siya talaga gusto.. ayaw kong ginagamit niya ang idea na DATI siyang mahirap just to get sympathy, kasi past is past na diba? dapat focus on what you are now and what you can do... hindi ung puro galing siya sa hirap.. eh hindi naman na sya mahirap... abogado sya, dr asawa nya... di ba? Oh come on! Wala namang lokohan...
Miriam... well she's sick... and it shows... sa debates, you can she that she is not as good as she was before...
And finally there is Mar. Well, he's been dipped in mud althroughout.. even before election campaign began.. His personality has been lambasted all over the internet... from Yolanda, to mamasapano to him not having a backbone.. not being strong enough and all those bullsh!t...
so honestly no candidate is good enough... So sino nga ba? sino nga ba ang dapat iboto?
#halalan2016

Miyerkules, Enero 27, 2016
Ay Ang Saya
Noong Linggo at Lunes, hindi lubos ang saya ko, kasi di kita nakita :)
pero bawing bawi naman ngayon gabi, dahil di lang kita nakita, nakakwentuhan pa kita at ang sarap isipin na para akong may kakampi ngayon, dahil kuhang kuha mo ang sentimyento ko ukol sa mga tao sa aking paligid... At di lang un... sumama ka pa sa amin sa aming pagpupulong.. haay.. anong ligaya ko nga...
Pagod at inaantok na ko, pero ang ngiti ko naman ay hanggang tenga aabot...
Sana isang araw, sana dumating ang panahon, na kaya na kitang tawaging tunay na kaibigan ko..

Linggo, Enero 24, 2016
Wala Ka...
Nagmamadaling umalis... halos lakad takbo na ang gawin... sa pag-asang ikaw ay masilip.. makita... Ngunit sa aking pagdating hindi ka nasilayan ng aking paningin...
Hindi naman malungkot.. ngunit di rin masaya... akin na lang na pag-asa na sana sa susunod ay masilayan ka na...
Sabado, Enero 23, 2016
Nasa Isip Lang
Ayan nakita na naman kita..nakasama at nakausap pa...
paano ba naman ito...
Ako'y tunay na nangingiti tuwing ika'y nakakasama...
Alam kong walang pag-asa
Alam kong wala naman talaga...
at hindi naman talaga...
Kay sarap lang isipin na ikaw ay abot kamay ko na
Kay sarap lang isipin na ikaw ay nakakapiling na
Hay pag ikaw ay nasa isip na.. ang ngiti ko hanggang taenga na...
Ikaw ay inspirasyon at tunay ngang ikaw
Talagang tunay akong humahanga
talagang tunay nga
Sa aking hinagap di man lang sumaisip na ako'y hahanga sa isang tulad mo at sa edad kong ito..
Ganyan lang talaga siguro ang buhay at sadyang tanggap na..
Nais ko lang sana, na ikaw ay maging tunay na kaibigan
para kahit man lamang sa ganon paraan ay tunay kitang makasama....

Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)