Upo, higa, laro at ulitin pa natin ulit.
Tengga is life! nga ba?
Pag nasita, madali din namang sabihin na hindi na ako tetengga, hindi na ako maglalaro, hindi na ako hihiga or uupo, hindi na, hindi na...
pero napakahirap panindigan.
Ano nga bang gagawin para maintindihan na kailangang kumilos, kailangan gumalaw,
kailangan gumawa ng paraan.
Pero hanggang may matatakbuhan, hanggang may malulusutan tila hindi mawawala, hindi matatapos.
Hanggang dito na nga lang ba? Hanggang diyan na lang...
Masarap tumengga, mas madali, mas madaling umasa sa iba. Mas madaling umayaw sa hamon ng buhay at hayaan na lang ang alon ang magdala sa atin sa kung saan, pero paano ang mga taong sa iyo umaasa, paano naman ang pamilyang nabuo? pabayaan na lang? hayaan na lang? Bahala na si batman, ipasa-Diyos ang lahat...
Tama, ang Diyos ay hindi natutulog, patuloy ang pagtulong niya sa mga taong may pangangailangan, kahit na nga hindi karapatdapat... ngunit tama bang maghintay na lang ng biyaya habang tumetengga?
Hayst, kay sarap nga namang tumengga... kay sarap na wala kang responsibilidad na iniisip... pero ang siste lang.. meron eh... meron..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento