Miyerkules, Oktubre 09, 2013

Hanggang Dito Na Lang Ba?

Minsan tinatanong ko ang aking sarili kung hanggang dito na lang ba talaga? Kung talaga bang ganito na lang palagi ang magiging buhay namin... Minsan may saya, minsan malungkot, minsan meron, minsan wala... parang palagi na lang na sumasakto lang sa pangangailangan, minsan nga kapos pa ng konti at nagagawan lang ng paraan... Minsan iniisip ko na wala na ba talagang magagawa?  Parang palagi na lang challenge.. palagi na lang may concern... Hindi ba pweding minsan makapagpasasa naman sa sarap na hindi nahihirapan?

Ha ha ha... Siguro nga hindi ganon ang buhay.. siguro nga kailangan pa ng konting sikap, konting hirap bago matamasa ang tunay at tuloy tuloy na sarap...

Ayoko ng ma-stress, ayoko ng malungkot.. gusto ko masaya na lang ako palagi at makayanan na ngumiti ng totoo kahit wala namang dapat ika-tuwa.. Parang hindi ko matutunan ang maging tunay na masya despite na may pangangailangang hindi namin matugunan.. Sana matuto akong makuntento sa kung anong meron kami kahit na maliit lang ito.. Sana matuto akong makuntento at maging masaya sa buhay ko ngayon...

hindi ko alam kung anong hinahanap ko, kung meron man.. ang alam ko lang may gusto akong maabot at hindi ko alam kung ano un.. ang alam ko lang may gusto ako makarating na parang abot kamay lang pero hindi pa rin nararating...

siguro panahon na lang ang makakapagsasabi kung mararating at maabot ko nga ang mga pinapangarap... siguro hindi pa tama ang panahon... kailangan lang magsumikap.. kailangan lang magpursige at sumige lang ng sumigi kahit na hindi madali.. kahit na challenging, kahit na ano pa.. wag sumuko.. tuloy lang ng tuloy.. takbo lang ng takbo.. mano ba't makakarating din tayo...

1 komento:

  1. Here's a virtual hug.
    *hug*

    Hindi ka nag-iisa sa ganyang mga tanong patungkol sa buhay, at sa kung paano ba ito tumatakbo... Hindi ko rin hawak ang sagot sa mga tanong mo, dahil ako ma'y may mga tanong rin. Nandito lang ako para sabihin na, kaya mo 'yan. Kahit sa unang tingin ay hindi ito posible.

    Konting tiwala lang. Konting pananampalataya.
    Hindi ko rin masasabing agad-agad kang magtatagumpay kapag ikaw ay nanampalataya sa Kanya, dahil madalas, hindi natin malilirip ang isip ng Maykapal.

    Ang alam ko lang, sa huli. Lahat ng bagay ay naaayon sa Kanyang Perpektong Plano.

    Patuloy ko ring tinatahak ang daang inilatag Niya sa aking harapan, at masasabi ko, hindi lamang pulos tawa at ngiti ang napaloob sa aking paglalakbay. Ito rin ay puno ng luha't pighati, na sa ngayon, at sa araw-araw ay na-a-appreciate ko na. Lahat kasi ng bagay, mahalaga.

    Tawa. Kasihayan. Ligaya.
    Luha. Kasawian. Pighati.

    'Yan ang nagpapaganda ng buhay, kapatid.
    Kapit lang. :))

    TumugonBurahin