Aking mga palagay, hinagap, kuro-kuro, pagiisip at kung ano pang mapagisipan, kasama na ang mga sariling likha tulad ng tula, storya at kung ano ano pa ^_^
Lunes, Nobyembre 28, 2016
Turo Turo... Baka Ka Manuno...
Minsan siguro lang talagang mapansinin tayo sa kakulangan ng iba at hindi na napapansin ang kakulangan natin....
Paano nga ba maisasansantabi ang sariling opinion, haka-haka, at kuro-kuro para maitaguyod ang mas mabuti ng mas nakararami...
Ewan ko ba... hindi ko mawari kung bakit ngunit tunay na nakakalungkot na turo lang tayo ng turo... pero wala naman tayong ginagawa para maitama ang itinuturong mali...
turo dito... dapat ganito.. pwede naman ang ganito..
turo doon.. dapat ganoon.. madali lang naman pag ganon...
pero sa dulo ganon pa rin WALA KA PA RING GINAWA... nagmarunong ka lang... na para bang ikaw lang ang may alam.. na para bang ikaw lang ang dapat pakinggan.. sarado ang tenga.. sarado ang isip sa mga dapat pagisipan dahil may sarili ka ng haka-haka sa kung anong dapat maganap...
Minsan siguro dapat matuto rin tayong magpakumbaba para mas maraming matulungan at maging mas maayos ang lahat kung matuto lang tayong magbaba ng kilay at makisama...
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento