Huwebes, Agosto 01, 2019

Panibugho


Hindi minsan maintindihan kung anong nararamdaman,
Di alam kung anong dapat gawin.
Nawawala ang isip, di makita kung saan
Lagi na lang may balakid.
Bakit ba ganon?
Tila parang may bagay na palagi na lang pumipigil
Parang parating may kulang
May hinahanap na di masagap,
kahit saan lumingon, kahit pa sa likod,
hindi makita ang gustong hanapin

Marahil dahil hindi alam ang tunay na gusto
gulong gulo ang isipan
Tumingala at tumingin sa langit,
ngunit, walang kasagutang masilayan at masambit

Nagtatanong ang puso,
may katapusan ba itong paninibugho
May ngiti sa labi ngunit ang puso'y umiiyak, nagdadalamhati
kailan ba matatapos, kailan ba mauubos

Marahil ay hindi, marahil ay habang buhay
na makikpagtuos
Laban lang, laban
kahit pagod na ang puso, kahit bugbog na ang katawan
kailangan lumaban, kailangan tumindig
kahit na sugat sugat na ang mga binti at tuhod sa pagkadapa
kailangan suungin ang buhay, kailangan patuloy na sumubok
kailangan... kailangan...







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento