Miyerkules, Abril 22, 2020

Feeling Salbahe


Alam ko sa sarili ko na hindi naman ako masamang tao... kaya lang bakit ganon... Minsan, no, madalas, may mga tao lang talagang nakakapag pakulo ng dugo ko... Yung mga nagmamagaling, ung mga hindi pwedeng magkamali at ung mga taong feeling superior na akala mo sila ang boss ng lahat.

Minsan, pag sila ang nakakasalamuha ang pakiramdam ko napaka sama ko ng tao, na salbahe ako... Yung pag opinion mo, walang kwenta, hahanap at hahanap sila ng mali or ikamamali ng ginagawa or sinasabi mo, pero pag opinion nila, need mo tanggapin, need mo mag-agree...  Nakakainis na rin kasi eh... Sobrang challenge lang na makisama minsan, kung pwede mo lang sila itapon lahat, siguro nagawa ko na, pero alam mo naman di pwede, so tiis tiis lang...

May mga panahon lang, gusto mo nang sumagot, gusto mo na magalit. ANO BA?! Pwede ba itikom mo na lang ang bibig mo, dahil wala naman maganda lumalabas, nakaka-stress ka lang...

Sana pwede, sana pwedeng sabihin, sana pwede lang magalit, sana pwede lang magmura... HAHAHA.. Well, if I want to keep the peace, I can't do that... so tiis tiis na lang muna.. hanggang maybe later, maybe one day... everything will fall into place and I will be free from this prison without bars


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento