Sometimes we tend to take things for granted.... ung mga tipong 'alam na nya yun' or 'wala naman akong masasabi regarding that eh',
Alam na nga ba? or wala ka nga bang masasabi?
Minsan ayaw lang natin sa conflict kaya sige, oo na lang tayo sa mga sinasabi kahit sa loob loob natin ay hindi tayo payag or hindi tayo sang-ayon sa sinasabi.
Ang hirap kasing mag-assume na alam na ng isang tao kung anong nasa isip natin or may opinion tayo na iisipin natin ay hindi naman importante.
Isa yan sa napakalaking dalahin ko ngayon... Mahirap na isipin na wala kang opinion sa sarili mong bahay pero well, ganon na nga un and if you try to push your opinion, lumalabas na masama kang tao. Hindi rin madaling dalhin ang idea na wala kang kwentang tao, pero minsan un ang nararamdaman mo dahil un ang pinaparamdam sa iyo ng tao, minsan alam mo hindi naman siguro pero dumadating ka sa ganong punto na naniniwala ka na, kasi un ang nararamdaman mo.
Minsan alam mo na mahal ka ng isang tao, pero pag hindi nya na sinasabi un.. hindi ba minsan natatanong mo rin sa sarili mo, kung totoo pa ba ung naiisip mo... Minsan naman may conflict na dapat iresolve, you try to be honest as much as possible hangga't maari, gusto mo magsabi ng kung ano talagang feeling mo, pero ung kausap mo, tahimik, hindi ka sigurado kung nakikinig, hindi mo alam kung naiintindihan ka, anong dapat mong maramdaman? anong dapat mong gawin? deadma na lang? Gusto mong isipin na okay lang, na okay ka lang.. na everything will be alright, that everything will fall into it's place at God's perfect time, pero in the meantime, san mo ba dapat ilagay ang sarili mo? Saan mo ba dapat ilagak ang utak mo?
Don't worry be happy, sabi ng kanta.... pero paano mo gagawin un kung ang buong araw mo ay puno ng worries? na pag nakuha mo na ung iniisip mong saya mo, babaliin ng ibang tao... papainitin ang ulo mo, hahanap ng problemang wala naman jan, pero nagkakaroon kasi pinapansin at sinisita ang napakaliit na bagay?
Hindi kaya napakimportante ng idea na magusap kayo, magpalitan ng kuro-kuro, ng idea, para matahak ang tamang landas para sa iyong pamilya? Minsan pakiramdam ko ako lang ang magulang eh... ako lang ang nagiisip para sa kapakanan namin... na sya lagi lang iniisip na pede syang sumandal sa mga kapatid nya or sa nanay nya...
Hindi na kami bumabata at ang mga bata ay nagsisilakihan na.. hanggang dito na lang ba kami? hanggang dito na lang ba ang aabutin namin.. lagi na lang nakalahad ang palad at nakasahod sa limos na gugustuhin ibigay ng taong inaasahang tumulong? Ito ba talaga ang tinahak kong buhay at dito na rin ako mauubos at mauupod?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento