Mabigat ang araw na ito para sa akin...
Mabigat kasi maaga pa lang naririnig ko na ang ingay ng mga tao sa paligid ko...
Pinili kong manahimik pero nabibingi at naririndi na rin ako sa mga naririnig... gusto kong sabihin na pede bang tumigil ka na sa pagsasalita... kailangan bang talagang kasali ka sa lahat ng usapan kahit na hindi ka naman involved?
Kailangan bang lahat ng bagay ay paki-alaman mo at uriratin pa...
Araw ng Basura ngayon, sabi nya.... Basura mo.. naligpit mo na ba... ang natutulog na batang apo ay ginising pa para tanungin kung nasaan ang basura nila dahil maagang umalis ang nanay at tatay nya... talga bang kailangan istorbohin ang paminsan minsan lang abutin ng tanghali sa pagtulog na bata para lang masabi sa sarili na malinis ka at naitapon ang basura ng kapitbahay mo...Oo, kapitbahay matuturing dahil kahit na iisang compound kami... sa kabilang bahay pa rin un at nangistorbo pa rin
Nagluto ako ng tikoy.. naupo sa silya at hiniwa ang malagkit na kakainin... ano yan? tanong nya.. Tikoy po, sagot ko.. tikoy? opo tikoy, bigay po ng kaibigan ko kagabi... sa isip ko.. nakikita mo na nga kung ano, tatanong mo pa, sinagot ko na, kailangan pang iconfirm? unli lang? unli? (hahahaha)
Haaay.. nagsisimula pa lang ang umaga nyan... Maya maya nahagap nya ang kape ng asawa ko na umalis para ihatid ang kapatid nya sa trabaho... Oi! ang kape naiwan!
Sheesh, alam naman nya na gusto ng asawa ko ng malamig na kape... sinadya nitong iwan un para mamaya pag balik nya pedeng-pede na nyang inumin... parang bago ng bago... nalolokah na ako.... gusto ko ng sumagot pero alam ko hindi pwede.. hindi tama.. dahil sya'y nakakatanda at dapat igalang.
Haaay buhay...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento