Biyernes, Pebrero 08, 2013

Ano nga ba dapat?

Nagpunta ako kanina sa talipapa na malapit sa amin, bumili lang ng miryenda... Nakasalubong ko ung isang usher sa simbahan, sabi nya sa akin, ate punta ka mamaya sa court, magmimisa kami dun...

Naisip ko lang... weh? sa court kau magmimisa?

Nasagi sa isip ko ang kasagraduhan ng misa at bakit sa court sya gaganapin? Siguro, umiral lang un pagigign old fashioned ko or pagiging makitid ko rin, pero ang unang pumasok sa isip ko eh nyek, kahit saan na lang pede... pero naisip ko din nagmimisa sa mall, sa school kahit hindi ito sacred ground if that's what we can call it..

Pero in hindsight, naisip ko din na bakit nga naman hindi, kung nasaan ang tao, siguro dapat ilapit ang Diyos diba? maraming ayaw pumunta sa simabahan, walang oras, tinatamad or whatever else excuse they can have, so kung nasa kanto lang.. nasa may court lang.. baka sakali nga namang umattend na sila at makakinig ng salita ng Diyos....

Pede na rin.. pede na ring tanggapin.. ang importante, naibahagi ang salita ng Diyos.. ang importante naishare ang word of God.. regardless na rin kung saan ito ginanap

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento