Martes, Pebrero 19, 2013

Pera, pera... asan ka na ba?

Dumating ka na ba sa point na para ka ng baliw sa pagiisip kung paano ka kikita? Na ang laman ng wallet mo ay kulang pang pamasahe mo? Ako, hindi lang ata isang beses ko naramdaman yan... minsan para ko ng gusto maawa sa sarili ko, minsan naawa talaga ako sa sarili ko... pero ano nga bang kailangan kong gawin?  Para magkapera...

Mahirap.. tanggapin na nating hindi madali ang ganitong sitwasyon at napakasakit sa dibdib.. lalo na sa isang magulang na hindi nya maibigay ang gusto ng kanyang anak... at mahirap ding makita na ang ibang tao ay nagpapasasa sa sarap ng buhay habang ikaw, eto nakalugmok sa hirap...

Pero tanggap ko... kasalanan ko din.. nagpabaya ako sa magandang opportunity na aking nahanap.. nakampante sa mga pangakong hindi naman natupad.. kaya ngayon kailangan tanggapin na kailangan magsipag at kailangan pagtiwalaan na alam ng Diyos ang kaniyang ginagawa at alam ko na alam nya kung paano nya ako... kami tutulungan...

May mga plano na sana ay mabigyang katuparan... may mga idea na sana magbunga... may mga gustong marating na sana nga ay maabot... sa awa ng Diyos at sa kakayahang kanyang ini-aatang... nawa'y maging matagumpay lahat ng aming balak, nang sa ganon ay dumating naman ang pagkakataong aming masabi na tunay kaming naging matagumpay...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento