Miyerkules, Hunyo 03, 2015

Eto Na Naman

Bakit nga ba?  Parang paikot ikot na lang.. paulit ulit...
Matigas kasi ang ulo ko... pilit ipinipilit ang gusto, kaya ito, eto na naman, dumadagsa na naman ang mga problema.. na dapat ay hindi naman...

Kailan nga ba matututo? Kailan nga ba pakikinggan ang totoo? Hay buhay, ito na naman ang sagot ko, minsan talaga di ko na alam kung anong gagawin, parang palagi na lang may  hadlang sa mga balakin.

Paano nga ba aasenso? Paano nga ba magbabago?
Palagi kong dasal sa Diyos na tulungan ako, alam ko, dumarating ang tulong pero naitatapon ko.

Haay.. di ko na alam kung anong gusto ko, di ko na alam kung ano pang magagawa ko, paano nga ba? ano nga ba ang dapat gawin? gusto kong magbago, palitan ang nararamdaman ng puso, alam ng Diyos na ito ang gusto kong gawin, pero bakit parang napakahirap? parang palagi na lang may pumipigil. Is it human nature? Dun ko ba isi-sisi ang lahat ng ito? Dun ko ba ibabaling ang pansin?

Pero alam ng utak at puso ko, ako ang nagkamali at dalangin ko na lang ay maisalba ako ng Diyos sa nasadlakan kong putik. Tama. alam kong ako ang may sala. pero naghahanap ako ng tulong, dapat nga ba? dapat ko bang hanapin ito, hingin? May karapatan ba ako?

Pakiramdam ko ang buhay ko ay parang isang telenovela, pagkatapos ng isang madramang kabanata, ito na naman ang susunod... madrama pa rin.. puno pa rin ng problema. puno pa rin ng hinanakit. Pero ang tunay ay ayoko ng ganon. ayoko na ng drama... gusto ko naman ay saya. paano ba? paano ba bubuin ang pagkataong ganito, paano ba?

Pwede ko isisi ang maraming bagay sa maraming tao pero sa huli sarili ko pa rin naman ang may sagot at dapat ko itong tanggapin, ang lahat ng nangyayari sa aking sarili ay nangyayari dahil sa sarili ko ring kagagawan.

Panginoon tulungan mo ako. tulungan mo akong magbago, tulungan mo akong maging mas matalino, mas mahusay sa pagdedesisyon, tulungan mo akong maiayos ang hindi tama sa buhay ko at ng aking pamilya, turuan mo ako humawak ng maayos sa mga biyayang patuloy mong ibinubuhos sa akin, at sa aking pamilya. Umaasa ako sa Iyo lamang Panginoon. Sa Iyo lamang ako kikiling dahil alam kong sa Iyo lang ako magtatagumpay.

**AMEN**

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento