Sabado, Enero 23, 2016

Nasa Isip Lang

Ayan nakita na naman kita..nakasama at nakausap pa...
paano ba naman ito...
Ako'y tunay na nangingiti tuwing ika'y nakakasama...

Alam kong walang pag-asa
Alam kong wala naman talaga...
at hindi naman talaga...

Kay sarap lang isipin na ikaw ay abot kamay ko na
Kay sarap lang isipin na ikaw ay nakakapiling na

Hay pag ikaw ay nasa isip na.. ang ngiti ko hanggang taenga na...

Ikaw ay inspirasyon at tunay ngang ikaw
Talagang tunay akong humahanga
talagang tunay nga

Sa aking hinagap di man lang sumaisip na ako'y hahanga sa isang tulad mo at sa edad kong ito..

Ganyan lang talaga siguro ang buhay at sadyang tanggap na..

Nais ko lang sana, na ikaw ay maging tunay na kaibigan
para kahit man lamang sa ganon paraan ay tunay kitang makasama....


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento