Biyernes, Disyembre 09, 2016

Mga Hinagap ng Isipan...

Kanina habang inaabangan kang dumating kung saan kita hinihintay, umiihip sa isipan, ang tagal mo naman...
Maya maya'y nakita ka na...

Sa mga ganitong pagkakataon na nasilayan na kita ngunit di mo pa ako nakikita, kahit na mainit at pinagpapawisan, nakikita ko pa rin ang lalaking aking minamahal..

Sa mga panahong hindi tayo nagkakaintindihan, ilang beses ko na rin naitanong sa sarili na kung tunay nga ba ang nararamdaman... at sa ganito namang pagkakataon, na walang kang kamalaymalay, sumasagi din sa isip kung gaaano kita kamahal at gaano ka kahalaga sa akin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento