Linggo, Disyembre 25, 2016

Pasko! Pasko!

Pasko na!  Pero parang hindi ko ramdam...

Pasko na! Pero parang ordinaryong araw lang...

Pasko na! Pero bakit parang hindi na kasing saya gaya ng dati???

Nakakalungkot isipin na ang pasko ngayon ay ganito na... parang hindi nadarama.. parang ordinaryong araw na lang ito sa buhay ng mga tao...

Merong mga taong may pasok sa dakilang araw ng pagsilang ng sanggol. Merong mga nag-i-isa.. Meron may kasama man, di naman naramdaman ang pasko...

Sigaw ng isang bata sa labas... walang kwentang pasko!!!


Wala na nga bang kwenta ang pasko? Ito nga ba ay isang okasyon na lamang para gumastos ng para sa pagkain, para sa regalo sa mga inaanak na siguradong kakataok pagdating ng araw na ito?

Nakakalungkot isipin na ganon na lang ang tingin ng iba sa pasko. Nakakalungkot isipin na wala na itong halaga para sa iba...

ako?

Aaminin ko, ramdam ko rin ang pagiiba ng pagturing ng marami sa pasko, ramdam ko rin na maraming bata ngayon na sa materyal na bagay na lang nakatuon ang paningin at di na nakikita ang tunay na kahulugan ng kapaskuhan.

Ngunit gusto ko pa ring isipin na marami pa ring mga tao ang nagpapahalaga sa araw na ito.. na marami pa ring mga tao ang inaalala ang dakilang araw ng pagsilang ng ating tagapagligtas...

Natutuwa ako dahil punong-puno ang simbahan sa misa de gallo na puno din ang simbahan nuong simbang gabi... nasambit ko lang na sana ganon linggo-linggo, na ang mga tao di lang tuwing pasko naalalang dumulog sa simbahan at magdasal sa mapagpalang Ama.

Marahil iba na nga ang tingin ng marami sa pasko... marahil iba na nga ang mga nagiging kaugalian natin pagdating sa araw na ito... ngunit sana lang... taimtim kong panalangin.. na kahit ano pa man ang mga maging bagong kaugalian tuwing sasapit ang pasko ay manatili pa rin sa atin ang tunay na diwa nito... dumating na ang tagapagligtas... ipinanganak siya ng may pagkababang loob at nilagak sa sabsabsan upang maabot ng lahat... nawa palagi natin siyang pilitin abutin at kapitan ng mahigpit sa kanyang mga kamay, dahil ang pagpapapala ni Kristo ay lagi lamang sa abot-kamay natin...










Walang komento:

Mag-post ng isang Komento